Nagbigay ng tulong ang Department of Social
Welfare and Development (DSWD)-Region 2 sa dalawang
pamilyang apektado ng pagyanig ng magnitude 6.3 na lindol sa Calayan, Cagayan,
kamakailan.
Habang binisita naman ng
DSWD-Region 2 Director Lucia Alan, ang nasabing pamilya.
Sa ngayon ay nailipat
na sa Cagayan Valley Medical Center
(CVMC) ang batang nag tamo ng pisikal injury dulot ng lindol.
Libre naman ang pagpapagamot
sa bata, samantala nag bigay parin ng tulong ang DSWD ng halagang 10,000 bilang
financial assistance sa biktima.
Ayon kay Alan, naghahanap
na umano si Mayor Joseph Llopis ng Calayan ng lugar na pwedeng matuluyan ng
dalawang pamilya, sa kadahilanang hindi na ito ligtas sa kani-kanilang tahanan. |VILROSE CUAL
0 Comments