Umabot na sa 10,404 ang
kabuuang bilang ng mga aspiring lawyer sa bansa na kumuha ng pagsusulit para sa
bar examinations ngayong taon.
Batay sa pinakahuling tala na
inilabas ng Supreme Court (SC), pinakamarami ang kumuha ng Bar sa San Beda
University sa Maynila na umabot sa 1,614, pumangalawa ang University of the
Philippines na may 1,066 examinees, at St. Louis University na may 988 bar
takers.
Bukod sa tatlong paaralang
nabanggit may 11 pang testing centers sa buong bansa kung saan kasalukuyang
isinasagawa ang Bar 2023.
Samantala, ilalabas naman ng
SC ang resulta ng Bar sa Disyembre bago ang araw ng Pasko. |JURRY LIE VICENTE
0 Comments