Tinanggap na ni Russian President Vladimir Putin ang imbitasyon ni North Korean leader Kim Jong Un na bumisita sa kanilang bansa.
Nabatid kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na aayusin na nila ang nasabing pagbisita na ito ni Putin kung saan makakasama din nito sa nasabing pagbisita si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov.
Kaugnay dito, maari naman aniyang isagawa ang nasabing pagbisita ni Putin sa North Korea sa buwan ng Oktubre.
Matatandaan na una nang bumisita ang North Korean leader sa
Russia kung saan tinalakay nila ang mahigpit na ugnayan ng dalawang bansa.
| TERESA IGUID

0 Comments