FACE RECOGNITION SA PAGPAPAREHISTRO NG MGA SIM CARD, IMINUNGKAHI UPANG MAIWASAN ANG MGA NAKAKALUSOT NA CARTOON CHARACTER

 


Inirekomenda ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang face recognition sa pagpaparehistro ng mga SIM card, na nagsasabing hindi sapat ang kasalukuyang mga patakaran para labanan ang mga text spam at scam.

 

Nabatid kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na mayroong mga kaso kung saan ang mga cartoon character ay ginagamit sa proseso ng pagpaparehistro at tinatanggap naman ng SIM registration system ng mga kumpanya ng telecom.

 

Kaugnay dito, iminungkahi rin ni Cruz na alisin ng mga telecom companies ang system at mag-tap na lang ng grupo ng mga tao sa verification process ng mga nagrerehistro ng SIM card.

 

Ang pahayag ni Cruz ay sa gitna ng talamak na pagbebenta ng mga SIM card na ginagamit sa online scam at iba pang cybercrimes.

 

Samantala ipinunto naman ni Cruz na kakailanganin ang matinding pagsisikap para sa manu-manong proseso ng pag-verify kung kaya’t dapat aniyang gawin muna ang manual verification. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog