RISING POP STAR NA SI OLIVIA RODRIGO, GUSTONG IKUTIN ANG BANSA



Planong bumisita sa bansa ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo, batay sa anunsyo ng Rolling Stone.

"People there are so welcoming and hospitable and awesome," ani ng singer.

Si Rodrigo ay ipinanganak at lumaki sa California na ang kaniyang ama ay Pinoy habang ang kaniyang ina naman ay German-Irish.

Sinasabing ka-look-a-like ni Rodrigo si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na isa ding half-Filipina.

Batid naman ito ng Fil-Am singer dahil sa palaging nitong naririnig sa mga tao na kamukha umano nito ang Miss Universe 2018.

"People always say I look like her -- and she's [one of] the most beautiful persons that I've ever seen -- so anytime people say that, I'm like, 'Really? That's crazy!'" aniya.  

Matandaan na sumikat ang singer matapos na manalo ng tatlong Grammy Awards ang kaniyang debut single na, “Drivers License”.

Kamakailan lang inilabas niya ang second album na may titulong “GUTS.” | VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog