PARIS OLYMPICS QUALIFIER, SASAGUPAIN ANG MGA PLAYERS SA ASIAN GAMES BOXING



Isa sa mga tinitipuhang makabangga ang tinaguriang world champion sa flyweight division ang 30-year-old na si Hasan Dusmatov sa paparating na Asian Games Boxing ngayong linggo at qualified din sa Paris Olympics.

Si Dusmatov, isang Uzbekistan ang itinanghal na Olympic champion noong 2016 at balak muli nitong kunin ang isang gold medal na nawala sa kanyang mga koleksyon sa 51kg division.

Gaganapin ang kanyang unang laban sa nasabing kumpetisyon gaganapin sa Lunes.

Kung saan, makakasama nito ang mga gold at silver medalists sa seven men’s division na may tyansang sumabak sa susunod na laban sa Summer’s Paris Olympics.

Matatandaan noong 2018 Asian Games sa final round ay nawalan ng malay si Dusmatov sa pakikipaglaban nito sa isang Indian national na si Amit Panghal.

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ng mga organizers para maiwasan ang anumang aberya sa gaganapin na Asian Games. |SANDRO SALAZAR

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog