Inihayag ni Department of Social Welfare and Development
Secretary Rex Gatchalian na maaaring
makatanggap ang small retailers na apektado ng rice price cap ng P15,000
financial assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department
of Social Welfare ang Development (DSWD).
Kaugnay nito, magpapalabas ang Department of Trade and
Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ng listahan ng mga benepisaryo
ng nasabing tulong.
Matandaan na sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na
target ng administrasyong Marcos na magbigay ng ₱2 bilyon na halaga ng tulong
sa rice retailers na makakaranas ng pagkalugi dahil sa price ceiling.
Ang price ceiling sa bigas ay epektibo ngayong araw ng
Martes, Setyembre 5.
0 Comments