SOCIAL MEDIA ACCOUNTS NG MGA KANDIDATO



Magsasagawa ng monitoring ang Commission on Elections sa social media accounts ng mga kandidadto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections para sa posibleng paglabag sa election laws llao na sa premature campaigning.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato ang pagpapakilala ng kanilang sarili sa pamamagitan ng social media habang wala pa ang campaign period.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10905, ipinagbabawal ang pangangampanya mula Setyembre 3 hanggang Oktubre 18 habang ang campaign period ay magsisimula sa Oktubre 19 hanggang 28.

Samantala, mahaharap naman sa kaukulang penalidad ang sinumang mahuhuling lumalabag na nasabing kautusan.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog