Nagpaabot ng hinaing ang ilang mga negosyante ng bigas sa ilang mga pamilihan sa bayan ng Kalibo kaugnay sa unang araw ng pagpapatupad sa EO No. 39 o ang Imposition of mandate price ceiling on rice.
Sa panayam ng Radyo Bandera News Team sa ilang mga negosyante sa Kalibo Public Market, hiniling ng mga ito na paubusin muna ang kanilang mga natitirang stocks bago tuluyang ipatupad ang naturang kautusan.
Anila malaki ang magiging kalugian sa kanilang panig kung ipapatupad agad ang P41 na presyo sa regular at P45 naman para sa well milled rice.
Ito ay dahil malaki din umano ang kanilang naging kapital sa pagbili nito na karaniwang nagmumula pa sa ibang mga lugar tulad ng Antique, Iloilo at Mindoro kung kaya’t sa transportasyon pa lamang ay malaki nang pasanin para sa kanila.
Sa ngayon, mabibili pa rin ang naturang produkto sa P49 hanggang P60/kilo sa iba’t-ibang pamilihin sa probinsya na mas mataas sa itinakdang presyo sa inilabas na EO.
Samantala tila kapansin-pansin din na halos kakaunti ang
supply ng bigas sa kanilang mga puwesto sa pagsisimula ng naturang
implementasyon sa buong bansa.|TERESA IGUID
0 Comments