Nagpapatuloy ang paghahanap ng mga rescuers sa iba pang mga survivors sa naganap na pagyanig ng magnitude 6.8 na lindol sa Morocco.
Napag-alaman
na umabot na sa mahigit 2,122 ang bilang ng mga nasawi at 2, 400 naman ang
sugatan.
Maliban
dito, marami ring mga imprastraktura ang nasira dahil sa pinakamalakas na
lindol sa nasabing bansa.
Magpapadala
rin ang United States ng ilang search and rescue teams sa Morocco habang nag-alok
din ng search-and-rescue teams si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Samantala,
naramdaman rin ang magnitude 4.5 na aftershocks sa lugar.
| JURRY
LIE VICENTE
0 Comments