PRICE CEILING SA BIGAS, NAGSISILBING SOLUSYON LABAN SA MGA NANANAMANTALA



Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na epektibo ang pagtatalaga ng price ceiling sa bigas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Diokno na ang pagpapatupad ng price ceiling sa pamamagitan ng Executive Order No. 39 ay 'short-term solution' laban sa “non-competitive practice” ng mga nagbebenta ng bigas sa pamilihan.

Aniya, kailangan itong gawin ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., kung saan ibebenta ang regular milled rice ng ₱41/kilo at ₱45/kilo sa well-milled rice dahil sa hoarding at manipulasyon ng presyo ng mga negosyante.

Dagdag pa ng kalihim, handa ang gobyerno na magsagawa ng hakbang para matiyak na sapat at mababa ang halaga ng bigas sa bansa.

Kaugnay dito, prayoridad din aniya ng gobyerno na tugunan ang mga hinaing ng mga rice retailer at mga magsasaka upang mabigyang-daan ang maayos na kompetisyon sa industriya ng bigas. |JURRY LIE VICENTE

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog