JUSTIN BROWNLEE, MAGLALARO SA ASIAN GAMES -COACH TIM CONE



Umaasa si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na nasa perpektong kundisyon si naturalized player Justin Brownlee para sa 2023 Asian Games na lalarga sa Setyembre 23 sa Hangzhou, China.

Nanggaling si Brownlee sa minor operation kamakailan at sumalang ito sa rehabilitasyon para mas mapabilis ang paggaling ng injury nito.

Ayon kay Cone, patuloy ang pagpapagaling ni Brownlee at nakatakda itong maglaro sa Asian Games dahil malaki ang magiging papel nito sa Gilas Pilipinas.

Maliban kay Brownlee, magiging malakas din ang lineup ng Gilas dahil kabilang dito sina six-time PBA MVP June Mar Fajardo, reigning PBA MVP Scottie Thompson, at Gilas team captain Japeth Aguilar.

Matatandaang maraming mga basketbolista ang hindi makakasama sa lineup ng Gilas dahil sa kani-kaniyang commitment sa ibang bansa, lalo na sa mga naglalaro sa Japan B. League at Korean Basketball League.

Kabilang dito sina Dwight Ramos, Kiefer Ravena, Kai Sotto at Rhenz Abando.

Hindi rin maglalaro si Jamie Malonzo dahil nagpapagaling pa ito sa injury.


| JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog