DA-6, POSITIBONG MAKAKATULONG ANG ANIHAN SA PAGPAPABABA NG PRESYO NG BIGAS




Naniniwala ang Department of Agriculture-6 na malaki ang maitutulong ng pagsisimula ng anihan sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Sa programang Foro De Los Pueblos, nabatid kay Ma. Theresa Solis ng DA-6 na nagsisimula na ang anihan sa ibang mga lugar sa Rehiyon kung kaya’t positibo rin aniya itong magiging mababa ang bili ng mga traders sa oras na magkaroon ng maraming suplay ng bigas.

Nilinaw din nito na bagamat may oversupply ng bigas ang Western Visayas ay hindi rin ito maaaring hindi mag-supply sa iba pang mga lugar at rehiyon na siyang dahilan naman upang maging apektado pa rin ng mahal na presyo nito.

Habang ipinunto naman nitong makakatulong ang mga kooperatiba sa pagpapababa ng presyo ng bigas dahil sa murang kuha nito sa kanilang mga pinagkukuhanang sources.

Kaugnay dito, inihayag din ni Solis na batay sa kanilang nagpapatuloy na monitoring, partially compliant ang probinsya ng Aklan maging ang Western Visayas sa ipinapatupad na price ceiling sa bigas sa buong bansa.

Samantala, nilinaw din nitong hindi na sakop ng DA ang ipamamahaging ayuda para sa mga apektadong retailers dahil tanging pag-monitor lamang kung nasusunod ba ang umiiral na price cap ang kanilang tungkulin. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog