PRESYO NG LPG, UMAKYAT SA ₱73.15 KADA TANGKE


Umakyat ang presyo ng Liquefied petroleum gas (LPG) sa ₱6.65 kada kilo ngayong Biyernes, Setyembre 1, ayon sa mga kompanya ng langis.

Batay sa abiso, inihayag ng Petron na magtataas ito ng presyo ng 11-kilogram na liquefied petroleum gas (LPG) cylinder ng ₱73.15 kada tangke.

Habang ang presyo ng AutoLPG ay tataas din ng ₱3.70 kada litro.

Noong Agosto, tumaas ng ₱50.05 ang presyo ng 11-kg cylinder LPG.

Samantala, huling nabawasan ng mga kompanya ng langis ang presyo ng cooking gas noong Hulyo ng ₱3.70 kada kg o ₱40.70 kada 11-kg cylinder.

| JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog