Inaprubahan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., ang
rekomendasyon na magtakda ng price ceiling sa bigas sa buong bansa.
Layunin nitong matiyak ang rasonableng presyo at
accessible na pagkain ng mga Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas sa retail
prices sa mga palengke.
Batay sa Executive Order No. 39 na nilagdaan ni Executive
Secretary Lucas Bersamin, ang presyo ng regular milled rice ay nasa ₱41.00
kada kilo habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay ₱45.00
kada kilo.
Samantala, mananatili ang implementasyon nito at nakadepende sa pangulo kung babaguhin alinsunod sa Price Coordinating Council, Department of Agriculture at Department of Trade and Industry.
| JURRY LIE VICENTE
0 Comments