LGU KALIBO, PLANONG MAGLAGAY NG VAW DESK OFFICER SA MGA BARANGAY PARA TUTUKAN ANG MGA KASO NG PANG-AABUSO

Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na maglagay ng Barangay VAW Desk sa mga kabarangayan sa naturang bayan.

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay Ms. Ava Miriam Seraspe ng DILG Kalibo, inihayag niya na maraming kaso ng Violence Against Women and their Children (VAWC) at dapat matagal na itong tinututukan.

Dahil dito, inihahanda ng LGU Kalibo ang mga barangay na magkaroon ng Barangay VAW Desk sa kanilang komunidad.

Dagdag pa nito, may mga kababaihang nakakaranas ng physical, psychological, emotional at sexual abuse ngunit natatakot silang lumapit sa kanilang barangay dahilan na kailangang palakasin ang mandato ng VAWC.

Ibinigay diin pa ni Seraspe na ang VAW Desk ay isang Barangay Level Facility na magsisilbi bilang frontline service at gagabay sa mga ‘victim survivor’ na nakakaranas ng iba’t-ibang klase ng pang-aabuso.

Kaugnay nito, magtatalaga rin ng isang VAW Desk Officer na mangangasiwa sa nasabing programa, kabilang na rito ang pagbibigay ng Barangay Protection Order sa biktiman gayundin ang pagresponde sa naturang mga insidente

Kaya naman hinihikayat nito ang publiko na mag-report sa VAW Desk Officers kapag nabiktima sila ng pang-aabuso o may kakilalang inaabuso. | JURRY LIE VICENTE

 

(via Michael Selorio/Bandera Musika at Balita)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog