DIVORCE BILL, APRUBADO NA SA SENATE PANEL


Inaprubahan ng isang Senate panel ang Senate Bill No. 2443 na magbibigay daan sa absolute divorce sa Pilipinas.

Ito ay naglalayong palawakin ang kadahilanan sa pagpapawalang ng kasal.

Kabilang sa may-akda ng consolidated bill sina Sen. Risa Hontiveros at sina Senador Raffy Tulfo, Robin Padilla, Pia Cayetano, at Imee Marcos.

Lumagda rin sa panukala sina Senador JV Ejercito, Grace Poe, Aquilino Pimentel III at Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Tinukoy ng panukala ang absolute divorce bilang “legal termination of a marriage by a court in a legal proceeding.”

Samantala, nakasaad sa panukala ang marriage annulment o pagpapawalang bisa ng kasal. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog