PRESYO NG BIGAS, BABANTAYAN NG DTI AT DA

Magtatalaga ng mga personnel ang Department of Trade and Industry (DTI) para bantayan ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ito ay kasunod ng Executive Order No. 39 ni President Ferdinand Marcos Jr., na nagtakda ng presyo ng bigas sa ₱41 kada kilo para sa regular milled rice at ₱45 sa kada kilo ng well-milled rice.

Aniya, nakipag-ugnyaan na ang ahensya sa Department of Agriculture (DA) at sa local government units para ma-activate ang Local Price Coordinating Councils.

Ani Pascual, sa pamamagitan nito, mas epektibo ang implementasyon ng mandated price caps sa mga bigas.

Nabatid na sa Setyembre 5 pa epektibo ang nasabing price caps. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog