BETERANONG BRODKASTER MIKE ENRIQUEZ, INILIBING NA


Hinatid na sa kanyang huling hantunganan ang beteranong brodkaster na si Mike Enriquez sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Idinaos ang funeral mass nitong Linggo ng umaga sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City.

Kabilang sa mga dumalo ang mga opisyal ng GMA Network, mga kasamahan ni Enriquez sa radyo at TV, at mga tagasuporta nito.

Pumanaw si Enriquez noong Martes, Agosto 29, sa edad na 71.

Isa si Enriquez sa mga anchor ng flagship newscast ng GMA na “24 Oras” at nagho-host ng long-running GMA Public Affairs program na “Imbestigador.”

| JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog