POSIBILIDAD NA MAILIPAT NG PWESTO ANG MGA KARINDERYA SA KAHABAAN NG REGALADO ST., NAKATAKDANG TALAKAYIN SA COMMITTEE MEETING NG SB KALIBO



Nakatakdang magpatawag ng committee meeting ang Sangguniang Bayan ng Kalibo upang talakayin ang posibilidad na ma-relocate ang mga stall owners na nakapwesto sa kahabaan ng Regalado Street sa bayan ng Kalibo.

Ito ay matapos na matanggap ng kanilang tanggapan ang isang sulat magmula sa Kalibo Cathedral na humihiling na mapaalis o mailipat ng lugar ang mga kainan o turo-turo sa likod na bahagi ng naturang simbahan.

Nakasaad sa nasabing sulat na itong kanilang hiling ay upang mabigyang daan ang pagsasaayos at pagpapaganda ng simbahan bilang preparasyon sa ika-500 years celebration ng Diocese of Kalibo gayundin ang pag-preserba sa naturang istraktura bilang bahagi ng cultural heritage ng probinsya. 

Napag-alaman din na may mga nagluluto mismo sa loob ng kanilang karinderya na una na rin namang ipinagbawal dahil sa posibilidad na pagmulan ng sunog.

Dahil dito, nakatakdang ipatawag ang mga kinauukulan upang mapag-usapan ang ilang mga alalahanin sa naturang hiling. 

Samantala, inaasahan rin na kabilang sa mga pag-uusapan ay ang estado ng lupa na kinalalagyan ng mga stalls gayundin ang mga kaukulang dokumento para dito. |TERESA IGUID

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog