“KONSYERTO SA PALASYO”, ISASAGAWA PARA BIGYANG-PUGAY ANG MGA GURO

 


Magsasagawa ng “Konsyerto sa Palasyo” ang Malacañang sa darating na Oktubre 1, ngayong taon.

Ito ang inilabas na anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) upang bigyang-pugay ang mga Pilipinong guro sa bansa.

Nakatakdang matutunghayan ang live concert sa opisyal na Facebook page ng “Konsyerto sa Palasyo”.

Noong 1994, idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization ang World Teachers Day.

Habang, ipinagdiriwang naman sa Pilipinas ang National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 taun-taon alinsunod sa Proclamation 242 Series of 2011 Republic Act 10743 na nilagdaan noong 2016.

Maliban sa mga guro, nagdaos din ng “Konsyerto sa Palasyo” ang Malacañang para sa mga sundalo at mga pamilya nito pati na sa mga atletang Pinoy noong Abril at Agosto.

Samantala, ayon sa Malacañang, ang naturang aktibidad ay ideya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog