PNP NAGSAGAWA NG SURPRISE DRUG TESTING SA MGA MATAAS NA OPISYAL NG PULISYA



Nagsagawa ng surprise drug testing ang Philippine National Police (PNP) sa mga mataas na opisyal ng PNP.

Ang on-the-spot drug testing ay bahagi ng command conference na dinaluhan ng 89 top-level officials mula sa PNP Command Group, Directorial Staff, Regional Directors, at National Support Unit Directors.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., hindi lamang tinutukoy ng drug testing ang ‘fitness’ ng PNP commanders kundi maging ang commitment ng pwersa ng pulisya sa integrity enhancement at cleansing sa mga ranggo nito, lalo na sa mga nasa command positions.

Samantala, naging negatibo naman ang resulta ng drug test sa lahat ng opisyal, na isinagawa ng PNP Forensic Group. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog