NASUNOG NA BAHAGI NG SALA SA ROXAS AVENUE, KALIBO, NAG-IWAN NG P375, 000 ESTIMATED DAMAGE


 

Aabot sa P375, 000 ang estimated damage sa nangyaring sunog sa Roxas Avenue, Poblacion, Kalibo, pasado alas-5 ng madaling araw ngayong Lunes. 

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay FO2 Baldomero Imperial ng Kalibo BFP, nabatid na una silang nakatanggap ng tawag kaugnay sa nasusunog na bahagi ng sala sa dalawang palapag na residential house sa naturang lugar. 

Mapalad naman aniya na naapula ito agad at wala nang ibang nadamay o nasaktan dahil din sa kanilang mabilis na pag-responde. 

Habang hindi naman naisalba at tuluyang natupok ng apoy ang ilang gamit sa sala katulad ng mga appliances.

Sa ngayon patuloy naman ang imbestigasyon ng Kalibo BFP sa pinagmulan ng nangyaring sunog kung saan isa sa mga tinitingnang posibilidad ay ang kuryente. 

Samantala muli naman na nag-paalala si Imperial sa publiko na mag-ingat upang maiwasan ang mga kaparehong insidente. |TERESA IGUID

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog