“MOST IDENTICAL TWINS” SA AUSTRALIA, IISA ANG BOYFRIEND

 



Nagpasya ang kambal SA Perth, Australia na iisang lalaki na lamang ang kanilang mamahalin para lalo pang maging malapit sa isa't isa at laging silang magkasama.

Maituturing na "most identical twins in the world" ang 35-anyos na kambal na sina Anna at Lucy DeCinque.

Pero kahit magkamukha na ang  kambal nag-desisyon ang magkapatid na magparetoke para lalo pa silang maging identical kahit gumastos pa sila ng mahigit £173,000 o katumbas ng 12 milyon.

Pareho rin sila ng gusto sa lahat ng bagay katulad ng damit, pagkain, sa kilos, porma, at pati sa boyfriend na si Ben Byrne, na 11 taon na nilang karelasyon.

Sa isang TV show sa Australia, ibinahagi nila ang kanilang buhay.

Magkakasama silang nakatira sa iisang bubong kasama rin ang kanilang ina, na itinuturing nilang best friend.

Ayon sa kambal, dati ay magkaiba sila ng nobyo noon pero nagpasya sila na iisang lalaki na lang ang ibigin para lalo silang maging malapit sa isa't isa at laging magkasama.

Naiintindihan naman daw ni Ben ang sitwasyon ng kambal, at pantay ang atensyon na inilalaan niya sa magkapatid.

Ayon sa kambal, na sa iisang kama rin lang sila natutulog kasama si Ben. Kapag hinahalikan umano ang kanyang kambal ay hinahalikan din siya nito at wala raw silang selosan sa kanilang ginagawa.

Nangako rin sila sa isa't isa na sabay silang magbubuntis dahil kailangang pareho ang kanilang katawan kapag handa na silang magkapatid.

Ngunit pagdating sa kasal, hindi pinapayagan sa kanilang bansa o bawal ikasal ang isang lalaki nang sabay sa dalawang babae. | JRG

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog