Inihayag ni LTO chief Vigor Mendoza II na makikipag-ugnayan ang Land Transportation Office (LTO) sa PNP’s Anti-Cybercrime Group upang paigtingin ang mga panukala laban sa mga iligal na aktibidad ng online scammers.
Aniya, mabilis na ang LTO
transactions at magreresulta lamang ito sa pag-avail sa serbisyo ng online
scammers na nasasayang ang kanilang pera.
Dahil dito, nagbabala si
Mendoza sa online scammers na hindi titigil ang LTO hangga’t hindi sila
naparurusahan.
Ito ay kasunod ng napaulat na humihingi
ng malaking halaga ng pera ang mga online scammers kapalit ng umano’y serbisyo.
Samantala, hinikayat ni
Mendoza ang publiko na maging bahagi ng laban sa online scammers. | JURRY LIE
VICENTE
0 Comments