100-ANYOS NA LOLA SA MAKATO, NAKATANGGAP NG ₱50K

Isang centenarian ang nakatanggap ng ₱50,000 sa Brgy. Aglucay Makato, Aklan matapos makaabot sa edad na 100-anyos.

Ayon sa MSWDO Makato, si Nanay Leonora Ureta ay pangalawang senior citizen centenarian na nakatanggap ng increased centenarian bonus na mula ₱10,000 ay naging ₱50,000.

Maliban sa pera, nakatanggap din ito ng isang plaque of recognition.

Samantala, pinangunahan naman ng Municipal Social Welfare and Development kasama ang Office of the Senior Citizens Affairs at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ang pagkaloob ng centenarian bonus kay Nanay Leonora.

| JURRY LIE VICENTE


(via MSWDO Makato/Facebook Page)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog