Pangungunahan ng Department of
Education (DepEd) ang pagsisimula ng National Teachers’ Month (NTM) ngayong
taon at ang pagdiriwang ng World Teachers’ Day (WTD).
Ito ay bilang pagkilala sa mahalagang
papel ng mga guro sa pagtuturo sa mga kabataang Filipino.
Ayon sa DepEd, idaraos ang NTM
/ WTD kick-off program bukas, araw ng Martes, Setyembre 5 sa Bohol Wisdom
School sa Tagbilaran City.
Ang NTM/WTD kick-off
celebration ngayong taon ay may temang “Together4Teachers.”
Layunin ng pagdiriwang ngayong
taon ang “excellence at greatness” ng Filipino teachers na katuwang nila sa
pagtatuyod ng “patriotic at child-friendly nation.”
Ang month-long NTM celebration
ay magsisimula, araw ng Martes, Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 sa WTD at
National Teachers’ Day (NTD). | JURRY LIE VICENTE
0 Comments