Pumalo na sa halos ₱44.65 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ang naiulat matapos ang nangyaring magnitude 6.3 na lindol sa karagatan ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan.
Batay sa Office of Civil
Defense (OCD), nasa 174 indibidwal o 43 pamilya ang apektado ng lindol habang
98 indibidwal o 20 pamilya ang nanatili sa evacuation centers.
Nanatili naman sa lima ang
bilang ng mga sugatan habang nasa tatlong bahay ang napinsala.
Samantala, inihayag ng PHIVOLCS
na may kabuuang 131 aftershocks ang naitala na may magnitudes mula 1.5 hanggang
3.7 at lalim na pito hanggang 29 kilometers. | JURRY LIE VICENTE

0 Comments