PBBM, DISMAYADO SA PSA SA MABAGAL NA PAMAMAHAGI NG NATIONAL ID



Dismayado si Pres. Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa mabagal na pamamahagi ng national physical ID.

Ayon kay Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy, nais ng Pangulo na mabigyan ng national IDS ang mga Pilipino dahil hindi pwedeng maghintay ang mga tao.

Aniya, kailangan ang national ID lalo na sa pamamahagi ng tulong ng gobyerno tulad ng social amelioration program gayundin sa transaksyon ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Dahil dito, inihayag ni UY na sinimulan na nila ang paggawa ng national ID at hiningi ang impormasyon ng mga nagparehistro sa PSA.

Nagtitiwala naman si Uy na bago magtapos ang 2023 ay maipamahagi na ang national digital IDs sa 80 milyon na Pilipino. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog