Mahigit 5,100 ang nasawi dahil sa matinding pagbaha sa Libya, ayon sa kumpirmasyon ng mga otoridad sa naturang bansa.
Base sa ulat, libu-libong
mga residente ang nawala sa silangang lungsod ng Derna, at marami ring mga tao
roon ang inilikas at nanatili sa evacuation centers.
Matandaan na hinagupit ng
Mediterranean Storm Daniel ang Libya noong nakaraang Linggo, Setyembre 10, kung
saan dalawang dam ang bumagsak rason na nagkaroon ng matinding pagbaha sa
lugar.
Naniniwala naman si Derna city Mayor Abdulmenam Al-Ghaithi na posibleng mahigit 20,000 na mga residente ang namatay dahil sa nangyaring trahedya.
Sa pahayag naman ni Emad al-Falah,
aid worker mula sa Benghazi, kalat-kalat ang mga bangkay dulot ng pagbaha—sa loob
ng mga bahay, sa kalsada, at maging sa karagatan. | JOHN RONALD GUARIN


0 Comments