PINOY, WAGI SA ROBOTICS AWARD SA UK

 


Pinabilib ni Dr. Alexander Co Abad ang publiko sa kanyang imbensyon na HaptiTemp sensor, isang device na makakaramdam at makakasukat ng puwersa, vibration at temperature pati na texture na katulad ng isang tao.

Sa loob ng maraming henerasyon, naisip ng mga dalubhasa at manunulat ang hinaharap kasama ng mga tao ang robot kung saan sila ang gumagawa ng lahat ng mga gawain.

Isa na rito ang imbensyon ni Abad na makakaya nitong sukatin ang temperatura at pagkilala sa mga larawan.  

Nakumpleto ni Dr. Alexander Co Abad ang kaniyang PhD in Computer Science and Informatics sa Liverpool Hope University sa Liverpool, England sa tulong ng isang scholarship mula sa Philippines’ Department of Science and Technology - Engineering Research and Development for Technology (DOST-ERDT) Foreign PhD at ang Mme. Maillefer Study Program ng DLSU- Manila.

Ang 43-anyos na engineer ay kinilala sa isang prestihiyosong Queen Mary UK Best PhD in Robotics Award kung saan nanalo bilang 2nd place ang kaniyang ginawang pag-aaral sa robotics competition na nilahukan ng ilang PhD students mula sa iba’t ibang unibersidad sa UK.

Kamakailan, iprinesenta ni Abad ang kanyang research sa 2023 TAROS (Towards Autonomous Robotic Systems) Conference, ang pinakamatagal at nagpapatuloy na international conference sa robotics and autonomous systems sa UK.

Samantala, naniniwala si Abad na ang kaniyang imbensyon ay may malawakang gamit hindi lang sa robotics kundi pati na sa larangan ng medisina at agrikultura.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog