Naramdaman sa probinsya ng Masbate ang 4.1 magnitude na lindol ngayong Linggo
ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute
of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim na 8-kilometro ang naturang
lindol sa Masbate.
Nakapagtala din ng Intensity
II ang ahensya sa Calbayog, Samar.
Habang Instrumental Intensities
ang naitala sa mga lugar ng:
Intensity IV – City of
Masbate, Masbate
Intensity III – Batuan at
Milagros, Masbate
Intensity II – Aroroy,
MASBATE; Rosario, Northern Samar; Bulusan, Sorsogon; City of Legazpi, Albay
Intensity I – Cataingan,
Masbate
Samantala, pahayag ng Phivolcs
na walang inaasahang posibleng aftershocks ng lindol. |SAM ZAULDA
0 Comments