KATHRYN, TINULAK SI DOLLY; AKTRES, GUMULONG SA SAHIG

 


Ikinagulat ng aktres na si Kathryn Bernardo ang biglaang pagkahulog at paggulong ng co-actor na si Dolly de Leon matapos nitong aksidenteng maitulak ito sa kanilang lie detector/drinking game video.

“Joke lang ‘yun”, ang naging sambit ni Dolly pagkatapos ng nangyari.

Bago pa mangyari ang tulakan, puring-puri si Dolly sa pagiging magaling na aktres ni Kathryn.


Tuwang-tuwa naman ang Outstanding Asian Star dahilan na aksidente nitong naitulak si Dolly at gumulong ito sa sahig.

Maririnig naman sa video ang paghalakhak ng international actress nang ito’y mahulog sa upuan.

Paulit-ulit namang tinanong ni Kathryn si Dolly na biro lamang ang nangyari at siniguro naman ito ng isa na joke lang umano iyon.

Napuno nalang ng tawanan mula sa dalawang aktres ang nangyari.

"Sa Abante Tonite...Kathryn tinulak si Miss Dolly..." chika ni Kathryn.

"Nasaktan si Miss Dolly, na-injured. Hahaha," hirit naman ni Dolly. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog