PINOY VLOGGER TONI FOWLER, KINASUHAN



Mahaharap sa kasong kriminal ang aktres at social media royalty na si Toni Fowler matapos itong sampahan ng kaso ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).

Sa isang ulat, lumabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in Relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 ang aktres mula sa inilabas nitong kanta na mayroong mahahalay na video at liriko katulad ng "Ma***bog Pag Lasing," "Masarap Na Mommy," at "Fake Friends."

Marami ring mga netizens ang nagkomento na wala umanong puwang ang mga kanta ni Toni lalo na’t karamihan ng mga kabataan ngayon ay tutok sa social media.

Matatandaang kinasuhan din ng KSMBPI sina Vice ganda at partner nitong si Ion Perez kaugnay ng pagdila nila sa icing sa noontime show na "It's Showtime."

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog