Umabot sa halos 100 katao
ang naitalang nasawi sa nangyaring sunog sa Qaraqosh, Nineveh sa bansang Iraq.
Sa isang ulat, daan-daang
katao ang dumalo sa isang selebrasyon ng kasal sa banquet hall ng naturang
lugar nang mangyari ang trahedya.
Pahayag ng ilang mga saksi
at civil defense officials, nagsimula ang sunog nang sumiklab ang mga paputok habang
sumasayaw ang bagong kasal.
Hanggang sa lumala pa ito
dahil sa nakapalibot na highly flammable metal at plastic composite panels sa buong
bulwagan.
Inaresto naman ng mga awtoridad
ang may-ari, 10 staff ng venue, at 3 taong sangkot sa likod ng mga paputok na
naging ugat ng sunog.
Samantala, daan-daang
indibidwal ang nakiramay at dumalo sa libing ng mahigit 40 biktima ng nasabing
trahedya.
0 Comments