Humihingi ng $300,000 ransom
ang mga hacker mula sa gobyerno ng Pilipinas sa kabila ng umano’y ulat na ang
database ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay ibinebenta
sa Dark Web.
Ayon kay Secretary Ivan Uy
of the Department of Information and Communications Technology, kasalukuyan
nang iniimbestigahan ng kanilang crack team ang umano’y hacking na ginawa sa
pamamagitan ng “Medusa ransomware”.
Ani pa nito, hindi aniya
sila magbabayad sa hinihinging ransom dahil nakalagay sa polisiya ng gobyerno
na hindi ito agad-agad na bibigay sa banta o anumang ransom techniques.
Kamakailan, sinabi ng
PhilHealth na kaagad nilang pinigilan ang pag-access sa kanilang website at
portal matapos ma-detect ang cyberattack bilang parte na rin ng information
security measures.
Samantala, inilahad naman ng
PhilHealth sa mga miyembro nito ang pansamantalang paraan para magsumite ng
kanilang benepisyo at kontribusyon habang inaayos pa ang cyberattack sa
kanilang system. |SAM ZAULDA
0 Comments