PINOY POP GROUP SB19, BIBIDA SA ASEAN-KOREA MUSIC FESTIVAL 2023 ROUND SA INDONESIA



Nakatakdang mag-perform ang Pinoy supergroup na SB19, kasama ang malalaking mga Korean pop idols at iba pang Asian idols mula sa 11 mga bansa,sa ASEAN-Korea Music Festival Round sa Oktubre 21 at 22 sa Beach City International Stadium, Ancol, Jakarta.

Sa anunsyo ng SB19 sa kanilang social media accounts, ibabandera nila ang Pilipinas sa nasabing music festival, kung saan libu-libong mga tagasuporta ng bawat performer ang dadalo.

Napag-alamang natapos na ang ‘Pagtatag’ world tour ng grupo nagkaroon pa ng guesting sa “KTLA 5 Morning News” sa Los Angeles at morning program ng FOX5 na “Good Day New York.” | JOHN RONALD GUARIN

(via ABS-CBN News)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog