PILIPINONG PARI, TINANGGAL NG SANTO PAPA DAHIL SA KASONG PANG-AABUSO


 

Sinibak ni Pope Francis ang Pilipinong pari sa pagkapari nito matapos masangkot sa pang-aabuso sa isang menor de edad na seminarista.

Ito ang kinumpirma ng Diocese ng Borongan mula sa inilabas na desisyon ng Santo Papa laban kay dating Fr. Pio Cultura Aclon.

Ayon sa inilabas na abiso, si Fr. Pio ay hindi na isang cleric at hindi na maaaring magsagawa ng anumang paglilingkod sa simbahan bilang pari.

Huling nagsilbi si Aclon sa minor seminary sa Borongan bago ito sinuspinde ng diocese sa kanyang clerical duty.

Samantala, labis naman ang paghingi ng paumanhin ni Pope Francis sa ginawang pang-aabuso ng nasabing pari. |SAM ZAULDA

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog