Niyanig ng 4.1 magnitude na lindol kaninang 4:49 ng umaga
ang probinsya ng Davao de Oro.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and
Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol 4 kilometro ang layo sa
timog-silangan ng New Bataan, Davao de Oro, na may lalim na 2 kilometro.
Nakapag-record naman ng Instrumental Intensity III ang
PHIVOLCS sa lugar ng Nabunturan, Davao de Oro.
Bagama’t malakas ang pagyanig, wala namang inaasahang
posibleng aftershocks na lindol ang Phivolcs.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang
nasabing pagyanig. |SAM ZAULDA
0 Comments