MALAY PNP, MULING NAKATANGGAP NG 3 BRAND NEW NA MOTORSIKLO

 



Nakatanggap ng tatlong karagdagang brand new na motorsiklo ang Malay Municipal Police Station mula sa Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry (FCCCI), sa pamamagitan ng kanilang Presidente na si Dr. Cecilio K Pedro at Vice President Mr. Jeffrey Ng.

 

Nabatid na kabilang itong mobility assets sa 6 na units kung saan ang unang 3 motorsiklo ay naihatid na sa Malay PNP noong buwan pa ng Hulyo.

 

Dahil dito, nakatakda naman na gamitin ang naturang mga motorsiklo sa pagsasagawa ng beat patrol at pagresponde ng mga kapulisan sa isla ng Boracay.

 

Samantala, mismong si  PLTCOL Dainis Amuguis, OIC ng Malay Mps, ang tumanggap ng nasabing donasyon mula sa representative ng FCCCI Atty. Peter Kho, sa isinagawang turn-over ceremony sa Headquarters ng Malay Municipal Police Station. |TERESA IGUID

 


 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog