Suportado sa Kamara ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng 30-araw na break ang mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa.
Pinuri naman ni House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Representative Fidel Nograles ang plano ng DepEd na bawasan ang administrative work ng mga guro at gawin na lamang itong 11 mula sa kasalukuyang 56, pati na rin ang paglulunsad ng DepEd ng isang website kung saan makahihingi ng legal na tulong ang mga guro kaugnay ng kanilang mga pagkakautang.
“Our teachers often fall victims to loan sharks due to circumstance, that is why we need provide them with financial education, legal assistance, and other ways for them to break from the cycle of debt and poverty,” pahayag ni Nograles.
| John Ronald Guarin

0 Comments