Dahil sa lumalaking demand ng bigas sa bansa, posibleng mag-angkat nito ang Pilipinas mula sa South America.
Isa ito sa mga napag-usapan sa ginanap na pulong sa gitna
nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at ni Argentina Minister for Foreign Affairs, International Trade and Worship Santiago Andres Cafiero sa Palacio
San Martin sa Buenos Aires.
Sa inilabas na press statement, wala pang pinal na detalye
ang nasabing pag-uusap ng Pilipinas at Argentina.
Nabatid na ang mga bansang Thailand at Vietnam ang kasalukuyang
pinakamalaking pinagkukunan ng bigas ng bansa, kung saan sa 2.33 million metric
tons na inimport, 4.46 percent ay mula Thailand habang ang 89.85 percent ay
galing Vietnam.
Kamakailan ay naungusan na ng Pilipinas ang China bilang isa
sa pinakamalaking rice importer sa buong mundo. |Rio Trayco

0 Comments