Kapos na sa oras ang Gilas Pilipinas sa paghahanda nito para sa 2023 Asian Games na nakatakdang magsimula sa Setyembre 23 sa Hangzhou, China.
Aminado si Gilas Pilipinas assistant coach LA Tenorio na malaking problema ng Gilas ang kakulangan sa ensayo.
Kaya naman doble kayod na ang Gilas para mapunan ang anumang pagkukulang sa team dahil isang linggo na lang ang natitira bago ang Asian Games.
Masaya si Tenorio sa lineup ng mga manlalaro dahil handa ang mga ito na maipanalo ang bansa sa naturang international tournament.
Alam ni Tenorio na mapapalaban ng husto ang Gilas sa Asian Games dahil makakasama nito sa grupo ang FIBA World Cup veteran team na Jordan kasama ang Southeast Asian Games rival Thailand at Bahrain.
Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Bahrain sa Setyembre 26 kasunod ang Thailand sa Setyembre 28 at ang Jordan sa Setyembre 30.
Ang mangungunang koponan sa bawat grupo ay
awtomatikong papasok sa quarterfinals habang ang No. 2 at No. 3 ay maglalaro sa
second round para sa huling mga tiket sa knockout stage. | JOHN RONALD GUARIN

0 Comments