PILIPINAS, ITINUTURING NA “DEADLIEST COUNTRY” SA ASYA -ENVIRONMENTAL DEFENDERS



Nanatiling pinakamapanganib na bansa ang Pilipinas para sa mga environmental defenders sa Asya matapos ang naiulat na 11 ang napatay sa bansa noong 2022, ayon sa rights watchdog na Global Witness.

Ayon sa grupo, hindi bababa sa 177 na tagapagtanggol ang napatay sa buong mundo noong nakaraang taon.

Kabilang naman sa worst country sa buong mundo ang Colombia, Brazil, Mexico, Honduras, at ang Pilipinas bilang ikalimang pinaka-delikado sa buong mundo.

Gayunpaman, itinuring ng Global Witness na ang tunay na sukat ng problema ay hindi ganap na makuha dahil sa mga paghihigpit sa malayang pamamahayag at kakulangan ng pagsubaybay sa Africa, Asia, at Middle East. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog