Naniniwala
ang lokal na pamahalaan ng Kalibo na mahal ang presyo para maka-produce ng mga Agricultural
Products ang mga fish farmers gayundin ang mga magsasaka sa Poultry at Livestock
Production dulot ng mataas na presyo ng mga feeds.
Dahil
dito, suportado ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang Senate Bill No. 2417, na
planong magtatag ng Aquaculture Feed Mill Plant sa Barangay Bahit, Pan-Ay,
Capiz.
Ayon
kay SB Member Augusto Tolentino, suportado ng konseho ang naturang plano kung
kaya’t nais ng LGU Kalibo na magkaroon ng kaparehong pasilidad sa nasabing
bayan.
Dagdag
pa ni Tolentino, mataas ngayon ang pangangailangan ng mga Meat and Poultry
Products lalo na sa mga Hotels, Restaurants at iba pang mga negosyo paglipas ng
Pandemic at ASF Outbreak.
Gayunpaman,
nahihirapan din ang mga Poultry at Livestock Farmers na makabangon muli dahil
na rin sa mataas na presyo ng mga feeds. | JURRY LIE VICENTE
(via
Doniel B Aguirre)

0 Comments