Limang indibidwal ang iniulat na sugatan dahil sa gumuhong pader matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa karagatan ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan noong Martes ng gabi, Setyembre 12.
Batay sa Office of Civil
Defense (OCD), tatlo ang nagkaroon ng minor injuries habang dalawang iba pa ang
naiulat na nakaranas ng brain trauma at head concussion.
Inihayag ng ahensya na walang
namatay, evacuees at malalaking pinsala sa imprastraktura na naiulat sa ngayon.
Tiniyak din ng OCD na maipamahagi ang tulong sa mga apektadong residente habang
naka-standby din ang search and rescue teams. |JURRY LIE VICENTE

0 Comments