Muling bumilis ang inflation
rate o ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa bansa sa 5.3% noong
Agosto, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay nagpapakita na ang
inflation ay mas mabilis noong Agosto kumpara sa 4.7% noong Hulyo.
Ang inflation rate ng Agosto
ay pasok naman sa 4.8% hanggang 5.6% na forecast range ng Bangko Sentral ng
Pilipinas para sa buwan.
Samantala, inihayag ng Bangko
Sentral na ang pagtaas ng presyo ay maaaring nagmula sa pagtaas sa mga presyo
ng gasolina, gayundin ang mas mataas na gastos sa transportasyon, at mga
produktong pang-agrikultura. |JURRY LIE VICENTE
0 Comments