Nagsagawa ng augmentation
seminar ang Human Resource ng lokal na pamahalaan ng Kalibo kaugnay sa
implementasyon ng Municipal Ordinance 2009-004 o ang Ecological Solid Waste
Management Code of Kalibo.
Ito ay may temang “5s and
Solid Waste Management in the Workplace Orientation”.
Layunin nitong mabigyan ng
kaalaman ang mga empleyado ng munisipyo hinggil sa “No Segration, No Collection
Policy” na nakatakdang ipatupad sa Oktubre.
Tinalakay sa naturang seminar
ang ilang hakbang para maunawaan ng mga empleyado ang kahalagahan ng waste
segregation.
Ito ay upang mabawasan ang mga
basurang kinokolekta sa mga kabarangayan sa Kalibo at commercial establishment
lalo na’t ipinagbabawal ang open dumping.
Isa rin itong paraan ng tamang
paghihiwalay ng mga basura nang sa gayon ay “residual waste” na lamang ang
kokolektahin ng LGU.
Samantala, isa sa mga
problemang kinakaharap ng mga kabarangayan ay ang kakulangan sa Material
Recovery Facility (MRF). |JURRY LIE VICENTE
0 Comments