MONITORING NG PRICE CEILING SA PRESYO NG BIGAS SA REHIYON, SINIMULAN NA NG DTI



Nagsimula na ang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 6 sa presyo ng bigas sa pampublikong tindahan ngayong araw kasunod ng ipinalabas na Executive Order no.39 ni President Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni DTI6 OIC Director Ermelinda Pollentes na nasa profiling stage pa lamang sila para i-assess ang mga batayan ng presyo.  

Ngunit pagkatapos ng "soft approach" ay aasahan ang mas mahigpit na pagbantay sa price ceiling na ₱41 sa kilo ng regular milled rice at ₱45 sa Well milled rice.

Dagdag pa nito, kapag natipon na ang lahat ng datos mula sa ibang ahensya kasama ang Department of Agriculture (DA), magsusumite ng hakbang ang ahensya at rekomendasyon para sa ayudang ibibigay sa mga apektadong retailers.

Sinabi rin ng DTI na bilang rice sufficient region magkaiba ang sitwasyon ng Rehiyon kumpara sa NCR at Luzon kung saan mas mahigpit ang pagbantay.

Hiniling din ng ahensya sa mga retailers na makiisa sa isinasagawang monitoring. |JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog