PBBM, NANGUNA SA PAMAMAHAGI NG BIGAS



Nasa limang libong pamilya ang nakatanggap ng smuggled na bigas sa Zamboanga City, nitong martes September 19.

Mismong ang pangulong Bong Bong Marcos Jr. ang nanguna sa pamamahagi ng bigas.

Ang mga ipinamahaging bigas ay bahagi ng 42,180 smuggled na sako ng bigas na nagkakahalaga ng P42 milyon na nakumpiska ng mga otoridad sa ginawang raid sa isang warehouse sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City.

Idinonate ang bigas sa DSWD na ibinahagi naman sa mga beneficiary ng 4P's.

Kasabay nito ang pagsabi ni Marcos Jr. na naniniwala parin siya na may tsansa paring maibaba sa P20 ang presyo ng bigas sa bansa.

Matandaan na ipinangako ni Marcos Jr. ang P20 na bigas kung siya ang mahalal bilang pangulo ng pilipinas.|VILROSE CUAL

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog